Basketball or Volleyball?
ni Matt Adrian Menodiado ng St. Barachiel
Malawak na court. Mga gamit panlaro. Rubbershoes. T-shirt at shorts. Tuwalya. Alas-kwatro ng hapon.
Sinung maysabing ang buhay sa loob ng seminaryo ay puro lamang pagdarasal o pag-aaral? Aba, malaking pagkakamali na isiping duon lang umiikot ang buhay naming mga seminarista. Sa katunayan ay may laang oras kami para sa paglalaro. Iba't ibang sports na pwedeng laruin sa tuwing sasapit ang ikaapat ng hapon.
Sa tuwing sasapit ang oras na ito, hihinto ang lahat sxa mga ginagawa at magbibihis na ng kani-kanilang sports attire. Madaming sports sa loob, nandiyan ang mga indoor games gaya ng chess, scrabble, dama, games of the general, uno stacko para sa mga tinatamad magpapawis. Meron din namang table tennis, badminton, volleyball, basketball, jogging, tennis para sa mga athletic na gustung-gusto ang naliligo sa pawis.
Kamakailan lamang, ang aming rektor ay nagpatupad ng isang bagong programa upang masigurado na physically fit ang bawat seminarista. Tuwing Huwebes at Sabado, kami ay nasa ilalim ng programang Pastoral Health Fitness, na talaga namang binabatak ang aming katawan upang higit na maging masigla.
Kaya sa mga nagsasabing hindi uso ang sports sa loob, mali kayo mga kapatid. Alaga kaya kami dito ng sports dahil naniniwala kaming mahalaga ang maidudulot nito sa amin balang araw.
We are Man of Prayers
We are Men of Prayers
ni Sem. Marvin Jhan Santos ng St. Raphael
Isa
sa mga takbuhan natin kapag tayo’y nalulungkot, natatakot o nababalisa,ang
dasal. Ano nga ba ang dasal para sa atin? Isa ba itong magic word na kapg
ginawa mo ay mawawala ang sama ng loob mo? O isa lamang pagkausap sa sarili
para gumaan ang pakiramdam? Kung ako ang tatanungin, ang dasal ay isang paraan
para makausap ang Diyos, isang maikli ngunit malaman na usapan kasama ang
Panginoon.
Bilang
seminarista, kami ay mga tao ng panalangin o “man of prayers” at isa sa aming
gawain ay pagdarasal at pagsisimba. Mayroon kaming tinatawag na “breviery” o
“liturgy of the hours” na regular naming dinadasal tuwing umaga, tanghali,
takipsilim at gabi. Kung minsan hindi namin naiintindihan ngunit ang sabi
saamin ay isa itong panalangin para sa simbahan sa tuwing dadasalin namin ito. Ipinapanalangin
namin ang buong simbahang katolika. Syempre hindi din mawawala ang debosyon kay
Maria at Pagrorosario gabi-gabi. Ang iba sa amin ay may pansarili ring panalangin
at mga debosyon sa kanilang mga patron.
Siguro
nga ay mahaba at madami kaming dinarasal ngunit ito ang magsisilbing pundasyon
sa landas na aming tatahakin. Nakakabagot? Nakakaantok? Siguro sa iba, pero
para saamin ito’y isang biyaya na ibinibigay sa atin ng Ama. Isang grasya at
oportunidad na makausap siya at maging daan upang maipadama ang kanyang
pag-ibig sa atin.
Hindi
naman mahalaga kung gaano karami ang alam mong panalangin, simpleng dasal lang
ay ayos na basta ito ay taos sa puso at bukal sa iyong kalooban dahil mas
pinahahalagahan ng Diyos ang laman ng ating puso at hindi ang sinasabi ng dila.
KAIBIGAN…AN
KAIBIGAN…AN
ni
Kim Eleandre del Pilar ng St. Sealtiel
Mga magkakaibigang
nagkakaunawaan, naglolokohan, sama-samang nagtatawananan, kung minsa’y may
inisan at tampuhan, ganyan ang tunay na samahan. Kami man ang ituring na
pinakamagulong dormitoryo ganoon talaga kaming magmahalan.
Paano nga ba naging iba ang
aming samahan?
1. Kaibigang Umuunawa- sa
panahon ng problema o pagkaligaw ng landas.
2. Kaibigang Mauunawa- madaling
pakisamahan, hindi pasaway.
3. Kaibigang Masayahin- lagi
kang patatawanin; pupunuin ng kabag sa tiyan.
4. Kaibigang Makuwento- pupunuin
ang iyong utak ng mga kwentong inspiring at horror.
5.Kaibigang Maaasahan- hindi mo
na kailangan pang sabihan, may kusa at nakakaramdam.
6. Kaibigang May Respeto-
ginagalang ka at ang desisyon ng grupo.
7. Kaibigang Mapagbigay-
bibigyan ka kahit kaunti na lang ang kinakain, sabay tanong “ayaw mo?”
8. Kaibigang Madaldal-
nasasagap lahat ng tsismis sa labas sabay tawag ng forum para may mapag usapan.
9. Kaibigang Nagtatanggol-
ipaglalaban ka kahit alam niyang hindi niya kaya.
10. Kaibigang Nagpapahiram-
kung medyo gipit ka, papautang sa iyo pati perang inutang din naman.
11. Kaibigang Nakikiisa- laging
nandiyan, hindi nang-iiwan.
12. Kaibigang Bukas- ikukwento
lahat kahit maliit na detalye.
13. Kaibigang Namamagitan- kung
may tampuhan
14. Kaibigang Galante- all-time
sponsor lang ang drama.
15. Kaibigang hindi ka
ipapahamak- sabay na tatahakin ang tamang landas.
Nakita mo na ba rito ang
kaibigan mo? Maaaring wala ang iba diyan, ngunit ito ay ilan lamang basehan ng
pagkakaibigan. Ganyan ko nakikita ang samahang magulo, masaya, mga kaibigang
tunay na maaasahan! Kaibigan, salamat, lagi kang naririyan! Kaibigan, pangako
ko, hindi kita iiwan! Kaibigan, salamat, ako’y iyong tinutulungan! Kaibigan,
salamat sa ating tawanan! Kaibigan, salamat dahil ika’y aking kaibigan!
More Than Fish and Vegetables
More Than Fish and Vegetables
by Sem. Chester Rommel Canonicato of St. Uriel
Friday, day of the death of our Lord and here in
the seminary, more than abstinence from meat, our apostolate held us, so as to
share in the sufferings of our Lord. Moreover this is a part of our formation.
During our apostolate we are helping do chores in certain institutions we most
often help in cleaning, teaching, giving both to old and young people and other
activities that engage us to with different kinds of people. By these
interactions we are learning new things, values, and realizations that are
being inculcated in our hearts and minds are some of them.
SENSITIVITY IN THE NEEDS OF OTHERS
We are exposed to a bigger world, a world that is
full of needs: need for the word of God, need for care, need for love and
other. Through our apostolate, it helps us realize that there are many people
who need attention, physically or emotionally, which leads us to more sensitive
and intensified our willingness to serve.
APPRECIATION OF GOD’S BLESSINGS
We become more aware of God’s presence, and of
God’s blessings. We become more thankful because of the realization that the
Lord bestowed on us many blessings.
JOY AND PERSONAL FULFILLMENT
We find joy to what we have to accomplish things
which we taught we cannot do, like giving both to the elderly and playing with
children. We feel the fulfillment when we see smiles and receive the warm
gratitude of the ones we are serving.
EXPOSURE TO SOCIAL REALITIES
The life of every person is not just pure joy and
happiness, but there are also times of difficulties and injustices. Through the
apostolate we see this social reality and learn how to respond to it, because
of our personal experiences with the sufferings and injustices.
STRENGTHENING OF VOATION TO PRIESTHOOD
Because we see Christ in the faces of other people,
our love for Him increases this love makes our vocation to priesthood livelier
and is strengthened. Our experiences with different situations in the
apostolate area make us more eager to become priest in the future.
These are only some of the experiences we have in
our apostolate, truly it becomes an avenue for self-discovery and
self-realization will surely help us in our future ministries. This is why we
are fond of Friday, not only because of the fish and vegetables, more also
because of the apostolate that gives us bunches of experiences.
Paano nga ba?
Paano nga ba?
ni Sem. Alvin A. Aparentado ng St. Jehudiel
Saan
nga ba nagsimula at natatapos ang pagkakaibigan? Sa mga sulok ng dormitoryo, kung
saan hinahabi at hinihimay ang isang disipulo ni kristo, matatagpuan ang hndi
malirip na katahimikan. Ang nagpupuyos na damdamin ay waring humihiyaw dahil sa
animo’y gasol ang nagpapalagablab ng kagustuhang maisiwalat ang kaguluhan sa
gitna ng piping mundo.
Sa
katalasan ng isip ay nakabubuo ng mga kwentong malayo sa kawalan. May dagdag,
may bawas. Sa totoo, ito yata ay isang cancer ng pamayanan. Bagamat may
solusyon, hindi naman maaninag ng malinaw sapagkat ang lahat ay may takot at
pag-aalinlangan na mapagkaitan ng pagkakataong maunawaan at tanggapin ang
kamalian.
Katulad
sa labas, ang mundo sa loob ay puno ng mga pagsubok. Ang paraan ng pag-iisip at
pakikiramdam ay madalas nakukubli sa pang araw-araw ng mga gawain iba-iba ang
kulay na makikita sa loob, may matingkad at mapusyaw ngunit ang tiyak, ang
lahat ay nagsasabi ng hiwaga. At ang mga hiwagang ito ay naglalaan ng
kanya-kanyang katotohanang kumikiliti sa bawat isa, upang maging higit na
mabuting tao.
Oo!
Masaya dito subalit hindi lang dahil sa masarap na pagkain ng pagkatao na pilit
naming hinarap sa labas na ditto lamang naming saumpungan. Ang bawat pagkakadapa
ay muling pagbangon habang baon ang peklat ng bagong aral sa buhay.
Sampung Taon!
Sampung
Taon!
ni Emmanuel R. Caleon ng St. Gabriel
“Ilang taon ba ang pagpapari?”
“Sampung taon po”
“Ay, ang tagal pa lang
pag-aralan kung paano magmisa”
Pero anu nga ba ang sampung
taon na pag-aaral?
Siyempre bukod sa gawaing
pang-kabanalan katulad din ng seminaryo ng ordinaryong kolehiyo sa labas
nagaaral din sa loob, may mga subjects din na mahihirap katulad sa labas pero
ang kagandahan, ay lagi naming inuugat kay kristo at sa Diyos ang lahat n
gaming inaaral. Masaya, makulay, at talaga namang may tama sa kaibuturan.
Pag-akademiko, bagkuas ay hinuhubog pa kami nito upang maging mabuting tao.
Bukod sa mga subjects na normal
sa labas pinagaaralan din naming sa loob ang ilang pang-akademiko, na hinuhubog
pa kami upang maging mabuting tao.
Masayang mag-aral, lalo na kung
samasama yung tinatwag na study period, malaking tulong para madevelop ang
study habits ng bawat isa. Makikita mo rin ditto kung paano magtulungan at
alalayan ng bawqat isa ang kanilang kapwa seminarista.
Kaya sa mga nagtatanong ngayon
kung “sampung taon” ba pinag-aarralan ang pagmimisa. “Opo, dahil kailangan nito
ng paghuhubog at paghahanda”
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)