Paano nga ba?



Paano nga ba?
ni Sem. Alvin A. Aparentado ng St. Jehudiel

Saan nga ba nagsimula at natatapos ang pagkakaibigan? Sa mga sulok ng dormitoryo, kung saan hinahabi at hinihimay ang isang disipulo ni kristo, matatagpuan ang hndi malirip na katahimikan. Ang nagpupuyos na damdamin ay waring humihiyaw dahil sa animo’y gasol ang nagpapalagablab ng kagustuhang maisiwalat ang kaguluhan sa gitna ng piping mundo.

Sa katalasan ng isip ay nakabubuo ng mga kwentong malayo sa kawalan. May dagdag, may bawas. Sa totoo, ito yata ay isang cancer ng pamayanan. Bagamat may solusyon, hindi naman maaninag ng malinaw sapagkat ang lahat ay may takot at pag-aalinlangan na mapagkaitan ng pagkakataong maunawaan at tanggapin ang kamalian.

Katulad sa labas, ang mundo sa loob ay puno ng mga pagsubok. Ang paraan ng pag-iisip at pakikiramdam ay madalas nakukubli sa pang araw-araw ng mga gawain iba-iba ang kulay na makikita sa loob, may matingkad at mapusyaw ngunit ang tiyak, ang lahat ay nagsasabi ng hiwaga. At ang mga hiwagang ito ay naglalaan ng kanya-kanyang katotohanang kumikiliti sa bawat isa, upang maging higit na mabuting tao.

Oo! Masaya dito subalit hindi lang dahil sa masarap na pagkain ng pagkatao na pilit naming hinarap sa labas na ditto lamang naming saumpungan. Ang bawat pagkakadapa ay muling pagbangon habang baon ang peklat ng bagong aral sa buhay.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento