We are Men of Prayers
ni Sem. Marvin Jhan Santos ng St. Raphael
Isa
sa mga takbuhan natin kapag tayo’y nalulungkot, natatakot o nababalisa,ang
dasal. Ano nga ba ang dasal para sa atin? Isa ba itong magic word na kapg
ginawa mo ay mawawala ang sama ng loob mo? O isa lamang pagkausap sa sarili
para gumaan ang pakiramdam? Kung ako ang tatanungin, ang dasal ay isang paraan
para makausap ang Diyos, isang maikli ngunit malaman na usapan kasama ang
Panginoon.
Bilang
seminarista, kami ay mga tao ng panalangin o “man of prayers” at isa sa aming
gawain ay pagdarasal at pagsisimba. Mayroon kaming tinatawag na “breviery” o
“liturgy of the hours” na regular naming dinadasal tuwing umaga, tanghali,
takipsilim at gabi. Kung minsan hindi namin naiintindihan ngunit ang sabi
saamin ay isa itong panalangin para sa simbahan sa tuwing dadasalin namin ito. Ipinapanalangin
namin ang buong simbahang katolika. Syempre hindi din mawawala ang debosyon kay
Maria at Pagrorosario gabi-gabi. Ang iba sa amin ay may pansarili ring panalangin
at mga debosyon sa kanilang mga patron.
Siguro
nga ay mahaba at madami kaming dinarasal ngunit ito ang magsisilbing pundasyon
sa landas na aming tatahakin. Nakakabagot? Nakakaantok? Siguro sa iba, pero
para saamin ito’y isang biyaya na ibinibigay sa atin ng Ama. Isang grasya at
oportunidad na makausap siya at maging daan upang maipadama ang kanyang
pag-ibig sa atin.
Hindi
naman mahalaga kung gaano karami ang alam mong panalangin, simpleng dasal lang
ay ayos na basta ito ay taos sa puso at bukal sa iyong kalooban dahil mas
pinahahalagahan ng Diyos ang laman ng ating puso at hindi ang sinasabi ng dila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento