Unang
Kaba
Sem.
Rolando R. Mutuc
At bumaba na ako ng sasakyan.
Ang daming mga tao, mga pamilyang nagkukuhanan ng picture, may mga
nagkakamustahan, may mga nagiiyakan, at may mga nagpapaalam. Kinakabahan ako sa
unang hakbang na ito. Nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako. Ibinaba na
mula sa sasakyan ang mga gamit ko. May mga seminaristang kumuha nito tiningnan
kung kumpleto ang dala ko. Itinuro na nila kung saan ako mamalagi sa loob ng
limang buwan. Inayos na ng nanay ko ang mga gamit ko at makatapos kami lumabas
na ng kwarto. Nagpaalam na sil sa akin. Ito na ang simula, nawala na lang bigla
ang nanay ko, at ang tatay ko naman ay hinalikan ako at tumalikod. Ramdam ko na
umiiyak siya. Gusto ko ring umiyak noon pero pinigilan ko, dahil alam ko na sa
simula lang malungkot. Maninibago at magdadalawang isip, pero kapag nagtagal
na, at nakilala ko na Siya ng lubusan, doon ko mararanasa ang tunay na
kasiyahan.
#
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento