Siyang isa sa mga tumugon…



Siyang isa sa mga tumugon…
Sem. Emmanuel R. Caleon

“It is not enough to be called, but the most important is to present ourselves to God“
Ang buhay ko sa seminary ay masasabikong hindi ganoon kadali. May mga panahong dumaranas ako ng pagdadalawang isip, hirap, sakripisyo, pero ang mahalaga ay manatili tayong nakakapit sa kanya. Sa panahon na nakakaramdam ako ng panghihina at pamamanglaw, laging nagbabalik sa isipan ko ang paghihirap ni Hesus, ang lahat ng sakripisyo niya na maging sariling buhay ang ipinagpalit para sa atin-mga abang makasalanan.

Lagi kong ipinapaalala sa sarili ko, na ang mga problema ay hindi dapat yan basta-basta sinusukuan. Mga paraan lamang niya ito upang iparamdam ang saya saoras na malagpasan ko ang lahat. Oo, mahirap pero alam ko naming tutulungan niya ako.

Ang pag-aalay ko ng sarili sa bokasyong ito ay hindi sapat. Dapat ay may dahilan. Nung tanungin ako sa live-in orientation. “ bakit mo gustong mag-pari?” at ito ang simpleng tugon ko. “ gusto ko pong paglingkura ang mga aba, ang mga api, ang mga may kakulangan, ang mga pinanghihinaan, dahil sila ang mga kasamang lumakad ni Hesus sa kanyang misteryo”. Pero ang paniniwala kong ito lumalim, sa tulong ng mga Formators. Ngayon, gusto kong paglingkuran ang bayan ng Diyos, dahil mahal ko siya. Mahal ko ang Diyos at ang mga simula nito ay ang paghahain ko sa aking sarili upang maging “Full time servant” niya.

Oo, mahirap pero Masaya, at masarap seminarista. Ano pa kaya kung maging pari?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento