Masyado
bang bitter?
Ni
Sem. Alvin Aparentado
Marami nang nagtanong kung saan
at kailan
Ang kasaguta’y tila ba walang
katiyakan.
Mula sa kalawakan, tila ba
nakakabuo ng isang mundong mahirap arukin ng isipan. Maaari ngang payak ang
paraan, subalit…
Ako’y isang seminarista na
minsang tinawag at hindi tumugon. Mula sa pagkakalagak sa mundo ng maskara ay
pinilit hanapin ang daan pabalik sa paghehelong katotohanan at kagalakan mula
pa kailaliman.
Oo, Masaya sa loob ng seminary.
Subalit may panahong puno ng katanungang kikiliti sa mapaglaro at malikot na
isipan. Mga tanong na minsang pundasyon sa dati’y matatag na paniniwala. Kalian
ba tama ang tama at mali ang mali? Kailan dapat tanggapin ang aral at pabulaan
ang natutunan.
Mula sa naglalagablab na apoy,
ngayon ay tila nabuhusan ng tubig upang unti-unting patayin. Napuno ng
katanungan; kaakibat ba ng biyayang karunungan ay pag-aasam ng higit pang
kapalaluan?
Seminarista ngang maituturing
na hinuhulaan ng karanaan, subalit ang pagtawag ba’y tiyak o sariling
kagustuhan? Nakakainis, nakakayamot, puso ko’y binabalot ng takot. Takoy na
wari ko’y nahirap unawain. Tila ba isang nilalang na bumubuo ng isang mundong
mahirap arukin ng isipan.
Sa isang banda, ipikit lamang
ang mga mata at matutunan lamang na makinig sa kanya. At ang pakikinig sa
kanya, ang papawi sa pag-aagam-agam at nagpapagaan sa nabibigatang kalooban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento